PH, nagtala ng 18,332 new COVID-19 cases

Nakapagtala ng 18,332 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw, pinakamataas na daily new cases simula nang pumutok ang pandemic.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), dahil dito, umabot na sa 1,857, 646 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 130,350 o 7% ang active cases.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa active cases, 94.8 percent ang mild, 2.5 percent ang asyptomatic, 1.2 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa ciritcal condition.

Nadagdagan naman ng 151 ang bilang ng mga nasawi dahilan para tumaas ang death toll sa 31,961 habang umakyat naman sa 1,695,335 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos maka rekober ang 13,794 na pasyente mula sa sakit. 

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ang positivity rate ng Pilipinas ay nasa 24.9 percent, malayo pa rin sa international standard na less than 5 percent positivity rate.