Ilang LGUs, maaaring limitahan ang outdoor exercises sa gitna ng MECQ – MMDA

Maaaring limitahan ng mga local government units (LGUs) ang mga outdoor exercises sa kabila ng pagpapahintulot na nito noong mailipat sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Kamaynilaan.

Sa isang panayam, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., na maaaring magpatupad ng sarili nilang restrictions ang mga LGU depende sa kung gaano karaming kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident
Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Matatandaan na ang mga outdoor activities tulad ng pagba-bike at pagjo-jogging ay ipinagbawal noong isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila noong August 6 hanggang 20, at pinahintulutan muli mula August 21 hanggang 31 nang ibaba ng Inter-Agency Task Force sa MECQ ang rehiyon.