Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Fransisco Duque III na pabilisin ang pagbibigay ng special risk allowance (SRA) at iba pang mga benepisyo para sa mga healthcare workers sa bansa.
Sa kanyang taped brifing, sinabi ng Pangulo na bibigyan nya ng sampung araw ang DOH upang maibigay ang SRA sa mga healthcare workers na siyang tumutugon sa COVID-19 patients sa mga pampubliko at pribadong ospital.
Aniya, gamitin ng ahensya ang kanilang available funds kung meron pa at kung wala naman ay manghiram o mangutang sila sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Mababatid na lumabas sa ilang mga ulat ngayong linggo na marami pa ring mga medical workers sa bansa ang hindi pa natatanggap ang kanilang SRA mula sa DOH sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas ng mga kaso ng covid-19 sa bansa. // MHEL PACIA-TRINIDAD
