Guro sa bayan ng Basud nagpositibo sa COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nagpositibo sa COVID- 19 ang isang guro mula sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, ang guro ay isang 41 anyos na babae mula sa barangay Bactas at siya ay si Bicol No 23109.

Una itong nakaramdam ng sintomas noong August 9.  Ang pasyente ay walang travel history at “unknown” din ang history of exposure.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Si Bicol No 23109 ay kasalukuyang naka- isolate at nagpapagaling sa Basud Temporary Treatment and Monitoring Facility.

Naka- quarantine na rin ang mga close contacts nito at isasailalim sa RT- PCR test.

Patuloy naman ang apela ng Lokal na Pamahalaan sa publiko na makiisa sa mga ginagawa nitong hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID- 19 partikular na ang pagsunod sa Minimum Health Standards.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Kung naka- schedule na sa pagbabakuna ay huwag umanong palampasin ang pagkakaton na mabakunahan kontra COVID- 19.