PH, nakapagtala ng 17,231 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ang Pilipinas ng bagong all-time high na 17,231 bagong COVID-19 infections, dahilan para pumalo na ang kabuuang kaso ng virus sa 1,807,800. 

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil dito, pumalo na sa 123,251 ang active cases, pinakamataas din simula April 20.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sa bilang na ito, 94.1 percent ang mild, 3.2 percent ang asymptomatic, 1.2 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa kritikal na kondisyon.

Inanunsyo rin ng DOH na umakyat na sa 1,653,351 ang total recoveries matapos na makarekober ang 5,595 pang pasyente mula sa sakit. 

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala, nadagdagan naman ng 317 ang death toll kaya umabot na sa 31,198 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus. Ito ang ikalawang pinakamataas na fatalities na naitala, kasunod ng 401 deaths na narecord noong April 9.