‘Yantok’ hindi kailangan para maipatupad ang social distancing sa lungsod – SK3

SORSOGON CITY – Naniniwala ang pamunuan ng Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan o SK3 na hindi na kailangan pa ng meter stick upang maipatupad ang social distancing sa lungsod ng Sorsogon.

Pahayag ito ni SK3 Head Arnel Anchinges, matapos na mabanggit ng isang konsehal ng Sangguniang Panlungsod kamakailan na kailangang pagbitbitin ng pangsukat o meter stick ang mga law enforcers upang maipatupad ang social distancing para maiwasan ang pagsisiksikan sa pila sa mga bangko at iba pang establisamiyento sa lungsod.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ayon pa kay Anchinges, sentido-komun na lamang ang kailangan ng bawat mamamayan upang mabatid ng mga ito kung kanilang nalalabag ang nasabing health protocol.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na obligasyon ng bawat isa na pangalagaan ang kanilang sarili kontra Covid-19  at hindi sa lahat ng oras ay dapat na iasa na lamang  ito sa mga enforcers.