35 repatriated Pinoys mula Afghanistan, dumating na sa Maynila

Dumating na sa Maynila ang 35 mga Pilipinong na-rescue mula sa Afghanistan kung saan may nagaganap na kaguluhan. 

Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakasama sa chartered plane mula Doha pa Maynila ang mga repatriated Pinoys sa tulong ng kanilang mga kumpanya.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Una nang ipinag-utos ng Pilipinas ang mandatory evacuation ng 130 Pilipino roon sa gitna ng pagkontrol ng Taliban forces. 

Hinikayat naman ng DFA ang mga distressed Filipinos na kontakin ang Philippine Embassy sa Islamabad, Pakistan sa Whatsapp/ Viber: Whatsapp/Viber: +923335244762; Facebook: http://facebook.com/OFWHelpPH at https://www.facebook.com/atnofficers.islamabadpe; o email: [email protected].

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Mababatid na libu-libong mga residente at dayuhan ang dumagsa sa Kabul, Afghanistan airport para lumikas matapos na magtake-over ang Taliban sa nasabing bansa.