Mga kalye sa Olongapo na may nakatirang positibo sa covid19, palalagyan ng red flag

Iniutos ng city government ang paglalagay ng pulang watawat o red flag sa mga kalye ng olongapo na may nakatirang positibo sa corona virus disease.

Ito ay para bigyan ng babala ang mga residente na iwasan ang pakikihalubilo sa mga kapitbahay dahil sa posibilidad na mahawaan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay ABC Pres.Randy Sionzon, sumang-ayon ang lahat ng kapitan sa kautusan kaya inaasahang makikita ang mga red flag sa ilang kalye ng lungsod simula ngayong araw.

Kaugnay nito, nilinaw naman na hindi sa mismong bahay ng pasyente ilalagay ang red flag para maiwasan ang disrikimasyon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Matatandaan, una nang nagkabit ng mga pulang watawat noon sa ilang barangay pero itinigil nang bahagyang bumaba ang kaso ng covid-19 sa lungsod.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo for Illustration Purposes Only

May be a cartoon of 1 person and text that says 'Weak Immune System IMMUNITY ASCORBIC ACID Calcium Ascorbate) GUARD-C Strong Immune System SHOP NOW! Lazada'