U.S.A—Ang colonoscopy ay isang proseso ng pag-eksamen o pagsusuri sa bituka ng isang tao. Kalimitan itong isinasagawa upang matukoy kung mayroong bukol ang mga bahagi ng ating colon partikular saating large intestine.
Sa Estados Unidos, labis na ipinagtaka ng mga doktor ang naging kalagayan ng isang 59-anyos na lalaki. Imbes kase na bukol o ano pa mang depekto sakanyang colon, isang buhay na kulisap o ladybug ang nadiskubre ng mga doktor sakanyang tiyan.
Ayon sa mga attending physicians ng lalaki, hindi nila matukoy ang eksaktong dahilan kung papaanong nagkaroon ng kulisap sa tiyan ang kanilang pasyente. Hinala ng mga ito, marahil aniya ay pumasok ito sa bibig ng lalaki habang ito ay nagpapahinga.
Maaari din aniyang ang ipinainom nilang “polyethylene glycol” dito ang nakatulong din sa insekto upang mas maka penetrate papasok sa tiyan nito. Ang “polyethylene glycol” ay isang uri ng laxative na ipinapainom sa mga pasyente, bago sumailalim sa colonoscopy.
Samantala, wala naman aniyang dapat na ikapangamba ang lalaki dahil mailalabas naman nito ang kulisap sa pamamagitan ng pagdumi habang mapalad din ito at walang anumang sakit o bukol na nakita ang mga eskperto sa kanyang colon.### JUMEL DELA ROSA