DFA, itinaas ang Alert Level 4 sa Afghanistan

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 4 sa Afghanistan matapos ang pagsakop ng Taliban sa ilang malalaking lungsod ng naturang bansa, kabilang na ang kabisera nito na Kabul.

Sa isang pahayag ay sinabi ng DFA na magsasagawa na ito ng mandatory evacuation para sa lahat ng mga Pilipino na nasa lugar.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ipinaliwanag ng ahensya na kapag nakataas ang Alert Level 4 ay inaasahan na nito ang large-scale internal conflict o full-blown external attack.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Inihayag ng DFA na tinatayang nasa 130 na Pilipino ang nasa Afganishtan.

Ipinunto naman ng DFA na nakikipag-ugnayan na sa kanila ang Philippine Embassy sa Pakistan, na may hurisdiksyon sa Afghanistan, para sa repatriation ng mga Pilipino.