Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na nagpositibo siya sa COVID-19.
Ayon kay Moreno, nakaramdam siya ng kaunting ubo, sipon, at pananakit ng katawan.
Tiniyak naman ng alkalde na tuloy ang trabaho ng Pamahalaang Lungsod sa Maynila.
Base sa impormasyon na mula sa Manila Public Information Office ay naitakbo na ang alkalde papunta sa Sta. Ana Hospital.

Dumating ang positibong COVID-19 test ni Moreno matapos nitong lumiban sa maraming public events dahil sa kaniyang karamdaman.
Naka-isolate na ang ilang close contacts ni Moreno kabilang na ang kaniyang chief of staff na si Cesar Chavez.
Ipinunto naman ng Manila PIO na naisagawa na ang disinfection sa opisina ng alkalde.