Quarantine violators sa Pampanga, aabot na sa halos dalawang libo

Umabot na sa 1,964 ang mga nahuling quarantine violators sa Pampanga simula ng ipatupad ang EO No. 17 S. 2021 ng Pamahalaang Panlalawigan.

Base sa report, sa nasabing bilang 1,668 rito ang nahuling walang suot na face mask, habang 64 naman ang lumabag sa curfew na pinapairal mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Maliban pa rito, nasa 203 ang nahuli dahil sa parehong hindi pagsusuot ng face mask at lumabag sa curfew, at 29 ang lumabag sa ipinapatupad na liquor ban.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang mga nahuli agad na pinagmulta. Kaugnay nito ay patuloy ang babala ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga residente na patuloy na sumunod at dapat na seryosohin ang pagsusuot ng face mask at face shield.