CAMARINES NORTE- Nasa minimal hanggang moderate risk ang mga bayan sa lalawigan ng Camarines Norte sa COVID- 19.
Batay sa Risk classification and recommended community quarantine intervention ng Department of Health (DOH) ang tatlong bayan na nasa minimal risk ay ang Basud, Capalonga at Paracale.
Sa ganitong classification, iminumungkahi ng DOH na Quarantine Intervention ang New Normal.
Ang mga bayan naman na nasa Low Risk ay ang Daet, Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Sta Elena.
Ang proposed recommendation ng DOH para sa ganitong classification ay Modified General Community Quarantine.
Habang nasa Moderate Risk naman ang Labo, Mercedes, Talisay at Vinzons kung saan ang proposed quarantine intervention ay General Community Quarantine (GCQ).
Ang COVID- 19 Risk classification na ito ay as of August 7, 2021 na ibinatay sa average daily attack rate (ADAR) ng Covid-19 cases.
Nasa moderate risk ang Camarines Norte simula noong July 25- 31 pero pagpasok ng Agosto ay nasa minimal risk na ito.
Ang buong lalawigan ngayon ay nasa ilalim pa rin ng Modified General Community Quarantine (MGCQ)
Dahil sa banta ng Delta variant ay mas nagpatupad ng paghihigpit sa border ng lalawigan kung saan maging ang mga Authorized Person Outside Residence o APOR ay kinakailangang sumailalim sa Rapid Antigen test bago payagang pumasok.

