COVID-19 vaccination sa mga menor de edad hindi irerekomenda ng DOH

Wala pa umanong balak ang Department of Health na irekomenda ang pagbabakuna sa mga menor de edad.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa taped briefing kagabi sa Malacañang.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Paliwanag ni Duque dapat sundin pa rin sa ngayon ang priotization framework sa pagbabakuna kung saan uunahing turukan ang mga matatandang miyembro ng pamilya.

Ayon kay Duque maari pa naman maprotektahan ang mga kabataan kung magpapabakuna ang mga matatanda at ito umano ay tinatawag na ‘ring concept’.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Dagdag pa ng kalihim na dapat din ikonsidera ang kakulangan ng suplay ng bakuna kaya naniniwala sila na mahalaga pa rin na unahing maturukan kontra COVID-19 ang mga kabilang sa adult population.