Kikitain sa BIA, makakaambag ng 30% sa kinakailangang P100M ng Daraga upang maging lungsod

BICOL—Malaki ang maiaambag ng pagbubukas ng Bicol International Airport (BIA) sa magiging revenue ng bayan ng Daraga sa Albay upang maabot ang kinakailangang income para sa panukalang gawin itong syudad.

Ayon kay 2Nd District Representative Joey Salceda, tinatayang aabutin ng P60 million ang kikitain ng bayan ng Daraga sa BIA oras na ito ay magbukas na.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Katumbas ito ng 30% ng kinakailangang revenue ng nasabing bayan upang makapasok sa batayan ng pagiging isang lungsod pagdating sa annual income.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Mababatid na para maging isang syudad ang isang bayan, kailangan ng at least P100 million average annual income sa dalawang magkasunod na taon base sa constant prices ng taong 2000. || SLM