PNP, nanindigang ‘legit’ ang POGO hub raid sa Maynila

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na legitimate ang kanilang operasyon sa isang scam hub sa Malate, Maynila, kung saan naaresto ang 69 na dayuhan.

Una nang tinawag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na “flawed” o may pagkukulang ang operasyon matapos mapalaya ang mga nasabing dayuhan dahil sa kawalan ng ligal na batayan para sila ay ikulong.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nilinaw din ng PAOCC na hindi sila konektado sa naturang operasyon.

Ayon kay PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo, hindi kasama ang PAOCC sa operasyon dahil ito ay kaso ng panloloko, at hindi trafficking, kaya’t hindi ito nangangailangan ng presensya ng PAOCC o ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Isinagawa ng PNP’s Anti-Cybercrime Group at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsalakay noong Oktubre 29 sa scam hub, na pinapatakbo umano ng mga dayuhang sangkot sa cryptocurrency at romance scams.