Pimentel – iginiit na walang impluwensya sa kanya si dating Pangulong Duterte sa nakaraang drug war probe

Nilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi na siya supporter ni dating pangulong Rodrigo Duterte kung kaya’t mayroon na silang political differences.

Ayon pa sa senador, hindi na rin sila nagkakausap at close nito kaya naman ‘zero influence’ na ito sa kanya noong isinagawa niya ang imbestigasyon hinggil sa war on drugs.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kasunod nito, nang isulat umano niya ang committee report tungkol dito ay walang kahit anumang naging impluwensya sa kanyang pag-iisiip si Duterte.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag pa niya, mananatili lang siyang nakabase sa mga ebidensyang nakakalap nila sa nasabing imbestigasyon.