Storage ng mga animal feeds sa Tayabas City, nasunog

Sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng mga agricultural products sa Barangay Calumpang, Tayabas, City, nitong Linggo Nobyembre 3.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay Fire Officer 3 Richard Edra ng Tayabas BFP, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng tawag bandang alas-3:30 ng umaga.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Idineklara na fire under control ang nasabing sunog alas-4:31 ng umaga habang alas-7:42 ng umaga naideklara itong fire-out.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Ayon pa kay FO3 Edra, sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, tinatayang nasa ₱4,813,550.00 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Samantala, itinaas sa ikalawang alarma ang naturang sunog, habang wala namang naitalang nasaktan at nadamay na bahay sa nasabing insidente.