2 tanod – patay matapos araruhin ng jeep ng lasing na tsuper sa Batangas City

Dalawang mga barangay tanod ang patay matapos araruhin ng isang pampasaherong jeep sa Barangay Tulo sa Batangas City.

Sa naging panayam ng Brigada NewsFM Batangas sa Batangas City Police – dalawa na mula sa walong kabuoang mga nasugatan ang binawian ng buhay.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Sa ngayon, nakauwi na ang apat sa kanila at sa bahay na lamang nagpapagaling.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Sa inisiyal na imbestigasyon – lumabas na lasing daw ang drayber ng jeep na kinilala sa alyas na ‘Gado’.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang tsuper at mahaharap na sa karampatang kaso.