Baha pa rin sa maraming lugar sa bansa dahil sa epekto ng mga nagdaang kalamidad.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, nasa 76 na lugar ang nananatiling baha sa CALABARZON, 74 mula sa Central Luzon, 31 na mga lugar sa BARMM, mayroon pa rin sa ilang parte ng Bicol Region at ilang lugar sa Regions 2, 5, 8, at 9.
Marami rin kalsada ang hindi pa rin madaanan
Karamihan ay mula rin sa CALABARZON at Bicol Region.
Habang mayroon pang 9 na tulay ang kasalukuyang hindi rin passable sa Bicol.