Nov. 4 – idineklarang special non-working holiday sa Quezon bilang paggunita sa death annniversary ni Hermano Puli

Idineklarang special non-working ng holiday ng Malacañang ang November 4 sa Lalawigan ng Quezon.

Sa ilalim ng Proclamation 730 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin – ito ay para magbigay- daan sa paggunita ng death anniversary ni Apolinario dela Cruz, ‘o mas kilala bilang si Hermano Puli.

Read More:  Banga shooter planned attack since August, told friends to go home

Si Puli ay isang religous leader mula Lucban, Quezon na nagtatag ng Cofradía de San José o Confraternity of Saint Joseph noong panahon ng Kastila.

Read More:  School threat averted in Sultan Kudarat; student arrested in South Cotabato

Ito’y bilang tugon sa mga diskriminasyon ng Simbahang Katolika mula sa mga Español, partikular ang pagbabawal sa mga ‘Indio’ na makapagsimba.

1841 nang torture-in ito at i-execute sa pamamagitan ng firing squad ng mga Kastila.