Bagyong Leon – tuluyan pang humina bilang isang tropical storm

Tuluyan pang humina bilang isang tropical storm ang Bagyong Leon.

Huli itong namataan sa layong 645 kilometro hilaga hilagangkanluran ng Itbayat, Batanes.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 75 kilometro kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 105 kilometro kada oras.

Maaalalang kaninang 01:30AM nang makalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Samantala – ngayong buwan ng Nobyembre, inaasahan ng PAGASA ang hanggang dalawang mga sama ng panahon.

Sakaling magtuloy – tatawagin itong mga Bagyong Marce at Bagyong Nika.