PNP, walang na-monitor na seryosong banta ngayong Undas

Walang namo-monitor na banta sa seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa paggunita ng Undas.

Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo, naka-heightened alert na ang PNP na nangangahulugang 75 percent na ang deployment ng kanilang pwersa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Maaalalang, itinaas ng PNP sa 21, 000 ang deployment ng mga pulis.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ipakakalat ang mga ito sa mga sementeryo, pampublikong mga lugar, terminal, paliparan at pantalan para sa pagtitiyak ng seguridad.