Sen. Bato – ‘di kuntento sa drug war probe ng Senado

Hindi pa rin umano nakukuntento si Senador Ronald Bato Dela Rosa sa kinalabasan ng pagdinig ng Senado hinggil sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ito ay dahil hindi pa umano niya nakakaharap ang ilang taong nagdadawit sa kanya katulad na lang ni Kerwin Espinosa.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Matatandaan, sa naging pagdinig ng quad committee, isiniwalat ni Espinosa na inutusan umano siya ni Dela Rosa na idiin sina dating Senadora Leila De Lima at Peter Lim sa drug trade.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Samantala, hindi naman nakakaramdam ng anumang pangamba ang senador sa kabila ng mga ulat na mino-monitor umano ng International Criminal Court ang nasabing pagdinig.