Trump at Harris puspusan na ang pangangampanya sa Amerika

Ibinubuhos na ng dalawang kandidato sa pagka-Presidente sa Amerika ang lahat ng kanilang alas sa kampanya.

Si dating US President Donald Trump nililigawan muli ang mga Latino. Sinusubukan kasi ni Trump na ma-recover ang mga na-dismayang Latino voters.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Mababatid na noong nakaraang campaign rally, minaliit ng isang Trump supporters ang pagiging Amerikano ng mga Puerto Rican.

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Samantala, nagtalumpati naman si Kamala Harris sa Washington DC Capitol kung saan nangyari ang January 6, 2021 riot na nag-ugat sa pang-uudyok umano ni Trump.

Sa tala ng Forbes, nangunguna si Harris sa limang national polls sa Amerika.