DTI, may pautang sa mga MSMEs na naapektuhan ng bagyong Kristine

Naglaan ang Department of Trade and Industry (DTI) ng dalawang bilyong piso para sa rehabilitasyon ng mga enterprises lalo na ang mga Micro, small and medium enterprises na naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa press briefing sa Malacañang, hinimok ni DTI Acting Secretary Ma. Christina Roque ang mga apektadong maliliit na negosyante na samantalahin at i-avail ang naturang programa sa ilalim ng Small Business Corporation.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Sa ilalim nito, pwede makahiram ng hanggang 300 thousand pesos ang isang MSMEs, zero interest ang unang taon ng pagbabayad habang sa 2nd year ay meron lang itong 1% interest kada buwan.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Ang kailangan lang anya gawin ng mga interesado ay mag email sa SBCorp.gov.ph.

Ilan naman sa requirements para mapabilang sa programa ay mag fill-up ng form, dapat registered ang business at may patunay na talagang naapektuhan ng bagyo ang kanilang negosyo.