Halos 40 lugar sa Bicol Region, wala pa ring kuryente

Marami pa rin lugar sa Bicol region ang walang supply ng kuryente dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, 37 lugar sa rehiyon ang wala pa rin kuryente partikular sa ilang lugar sa Camarines Sur, Camarines NOrte, Masbate, Sorsogon at Catanduanes.

Read More:  Tindig Pilipinas: protests should not shield public officials from investigation

Dalawampu’t dalawang lugar din sa Calabarzon at CARAGA ang walang kuryente maging sa Regions 1, 2, 3 at 8.

Read More:  Ex-Lawmaker Defensor: I’m ready to face possible charges

Nauna nang tiniyak ng Office of Civil Defense ang mabilis na pagbabalik ng pangunahing serbisyo partikular sa Bicol Region na matinding naapektuhan ng bagyo dahil sa malawakang pagbaha.