2 casualties – naitala na rin sa Quezon Province sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine

Nakapagtala ng dalawang casualties ang Quezon dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM Lucena kay Governor Doktora Helen Tan, bagama’t patuloy ang pagpapa-alala nito sa publiko na manatili sa kanilang mga tahanan, ikinalulungkot nito na nagkaroon pa rin ng ganitong insidente sa lalawigan.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Isa sa mga kumpirmadong nasawi ay mula sa bayan ng Tagkawayan kung saan
nadulas umano ito sa isang tulay hanggang sa nahulog sa ilog ngunit wala nang buhay ng ma-rescue ng mga rumesponde.

Isa pa sa patuloy na vina-validate ng gobernadora ay ang isang indibidwal na
nabagsakan ng puno sa bayan ng Mauban.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Kaugnay nito, patuloy pa rin na nagmo-monitor ng Pamahalaang Panlalawigan ng
Quezon sa mga kabayanan na labis na naapektuhan ng pananalanta ng Bagyong
Kristine. (WITH REPORTS FROM DAVID ARENA – 92.7 BNFM LUCENA)