Rollback, ipatutupad bukas

ABISO SA MGA MOTORISTA – rollback ang ipatutupad bukas sa mga presyo ng produktong petrolyo, araw ng Martes.

May itatapyas na P0.50 sa kada litro ng gasolina.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Mayroon namang ibabawas na P0.70 sa kada litro ng diesel; habang P0.85 naman sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Dahil dito, naputol na ang apat na linggong sunud-sunod na taas presyo, kung saan nitong nakaraang Martes ay umabot sa halos P3 ang umento sa oil products.