PBBM at First Lady Marcos, dumalo sa inauguration ng bagong presidente ng Indonesia

Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos sa inauguration ng bagong Pangulo ng Indonesia na si Prabowo Subianto at Pangalawang Pangulo na si Gibran Rakabuming Raka.

Ito ay matapos imbitahan si pangulong Marcos ni outgoing President Joko Widodo.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez, dumating sa Soekarno-Hatta International Airport sa Jakarta ang Pangulo at First Lady kahapon.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Aniya, tinanggap sila ng mga senior officials ng Indonesian government at mga kinatawan ng PH Embassy sa Indonesia.

Dahil dito, pinakita ng pagbisita ni PBBM ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at Indonesia.