EJK-free PNP – tiniyak ni Sec. Jonvic

Idiniin ni Interior Sec. Jonvic Remulla na hindi magiging parte ng kampanya laban sa illegal na droga ng Philippine National Police ang Extra Judicial Killings.

Sa pulong balitaan matapos ang command conference sa PNP, sinabi ni Remulla na kanyang patututukan ang pagbuwag sa mga nasa likod ng supply ng illegal drugs.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Maganda na aniya ang accomplishments ng PNP sa pagsawata sa ” demand” ng droga dahil sa pagkakasabat sa malaking halaga nito sa loob ng dalawang taon.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Samantala, masaya aniya ang kalihim sa resulta ng command conference.

Layunin nilang mapataas ang morale at mapanatili ang professionalism sa mga pulis.