Mga COC mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, dumating na sa tanggapan ng COMELEC sa Maynila

Dumating na sa tanggapan ng COMELEC sa Palacio del Gobernador ang mga certificate of candidacy ng mga aspirants para sa 2025 National and Local Elections.

Pasado alas kwatro kaninang madaling araw nang magsimulang magdatingan ang mga COC mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Unang dumating ang mga COC mula sa Nueva Vizcaya, Apayao, at Pangasinan.

Nadala na rin sa punong tanggapan ng comelec ang mula sa Cordillera Administrative Region, Region 1, 2, 3, 4A at una hanggang ikatlong distrito ng lungsod ng Davao.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagdating ng mga COC mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.