Pangulong Marcos – pinamamadali ang pagbalangkas sa ASEAN-China Code of Conduct

Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga bansang miyembro ng ASEAN na i-fast track o madaliin na ang ASEAN-China Code of Conduct (COC) sa gitna ng ginagawang aksyon ng China sa South China Sea.

Sa kanyang intervention sa 7th ASEAN-China Summit sa Lao PDR, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat magkaroon ng ‘urgency’ para sa pagbalangkas ng COC.

Read More:  Marcos reveals childhood dreams of becoming a rockstar, scientist

Idiniin ng presidente na ang tensyong ginagawa ng China ay nagpapakita ng patuloy na pambabalewala nito sa international law at standards.

Read More:  Impeachment court says Trillanes was not barred from testifying

Pagtitiyak ng Pangulo na ang mga insidente ng pag-atake ng China ay hindi napababayaan ng otoridad, maging ng international community.

Magkakaroon din aniya ng agarang hakbang upang maiwasan nang maulit pa ang mga pangha-harass na ito.