‘Bikoy’ ng ‘Ang Totoong Narco-list’ – tumakbong senador

Buena mano ngayong ikawalo at huling araw ng COC filing ang tumatakbong independent candidate sa pagka-senador na si Peter Advincula o mas kilala bilang Bikoy.

Si Bikoy ang nasa likod ng mga videong tinaguriang “Ang Totoong Narcolist”.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Idinawit ni Bikoy ang ilang miyembro ng pamilya ni dating pangulong Rodrigo Duterte at iba pang malalapit sa dating pangulo na sangkot daw sa illegal drug trade.

Hinatulan ding guilty sa perjury ‘Bikoy’ dahil sa pagdawit niya sa tatlong abogado na sina Chel Diokno, Erin Tañada, at Theodore Te kaugnay sa kontrobersyal na video.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Sakaling manalo, tututukan daw niya ang pagsasaayos ng correctional system sa Pilipinas.

Nang tanungin naman siya kung susuportahan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte – sagot niya: hindi niya raw ito susuportahan.