Nagsimula na ang Exercise SAMASAMA 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa Subic, Zambales.
Ang pagsasanay ay bahagi ng 7th iteration ng Cooperation Afloat Readiness and Training initiative
Nakatuon ito sa pagpapalakas sa kapasidad ng dalawang bansa sa pagharap sa mga non-traditional security concerns tulad ng territorial defense, man-made disasters, terorismo, maritime security, at transnational crimes.
Dalawang phases ang gagawing pagsasanay na nagsimula kahapon at magtatagal hanggang sa October 17.
Inaasahang makikilahok din ang Royal Canadian Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at French Navy sa shore phase activities at sea events.