Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, itinalagang bagong Cardinal ng Santo Papa

Simula sa Disyembre – si Bishop Pablo Virgilio David ng Caloocan na ang bagong cardinal ng Simbahang Katoliko.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng Vatican City kahapon.

Read More:  PNP officer shoots fellow police, civilian in Cavite; 2 dead

Ayon sa obispo, inakala niyang isang biro lang ang balitang ito.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi niya rito ang picture kung saan makikita ang usapan nila ng isang procurator.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Batay sa palitan ng mensahe, halatang hindi agad nakapaniwala si David sa anunsyo.

Si David ay kabilang sa 21 mga bagong kardinal na nakatakda na ring tumayo sa puwesto sa Disyembre a-8.