Pagre-recall sa mga protective security detail sa mga pulitiko, asahan matapos ang COC filing – PNP

Nakatakdang i-recall ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na nagsisilbing Protective Security Detail sa mga pulitiko.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, maging ang mga pulis na matutukoy na may kaanak na tatakbo sa midterm elections sa kanilang “place of assignment ” ay ililipat muna ng ibang lugar.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Gagawin ng PNP ang mga ito matapos ang Filing ng Certificate of Candidacy sa October 8.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Ia-activate rin ang Joint Peace and Security Coordinating Center, kung saan ang joint composite team ng PNP at AFP ang magdedetermina sa isang partikular na kandidato kung “entitled” ito na mabigyan ng protective security.