CIDG dir. BGen. Torre, tututukan ang case build-up sa “Angels of Death”

Hindi natatapos sa pagkakahuli kay Apollo Quiboloy ang imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot nito sa pang-aabuso.

Ito ang sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group Acting Director BGen. Nicolas Torre III.

Aniya, mas matututukan niya bilang pinuno ng CIDG ang case build-up laban sa mga miyembro ng tinatawag na “Angels of Death” ni Quiboloy.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Ayon kay Torre, ilan sa mga miyembro ng naturang grupo ay mayroong pag-aaring baril na expired na ang lisensiya at mayroon din mga pangalan na sangkot umano sa iba’t-ibang kaso kaya hindi na nakapag renew ng lisensiya ng baril.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Maaalalang ang “Angels of Death” ang umano’y panakot ni Quiboloy sa kanyang mag bitkima kapag nagsumbong sa ginagawang pang- aabuso sa kanila.