Amores – laya na

Mabilis ding nakalabas ng kulungan ang PBA player na si John Amores at ang kapatid nito matapos ‘di umanong mamaril sa Lumban, Laguna.

Bago kasi ito, ibinaba na lang sa attempted homicide ang kaso kay Amores mula sa attempted murder.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Nakapagbayad sina Amores ng P24,000; at P10,000 naman sa kaniyang kapatid, para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Nagnegatibo rin ang parehong kamay ni Amores sa gunpowder nitrates matapos siyang sumailalim sa paraffin test.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Nakatakda sa December 4 ang pagbasa ng sakdal sa kanila, pati na rin ang pre-trial sa kaso.

Samantala, nire-respeto naman ng Lumban MPS ang naging appreciation ng piskalya sa kaso.