Walang coup vs SP Chiz – Senators

Pinabulaanan ng ilang mga Senador ang kumakalat na impormasyon hinggil sa namumuong plano na papalitan na raw si Senate President Chiz Escudero.

Ito ay mataopos sabihin nina Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senadora Loren Legarda, at Cynthia Villar na wala silang nalalaman patungkol rito.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Ayon kay Sen. Escudero, hindi siya magkokomento sa mga speculation na hindi naman tukoy kung saan ito nanggaling.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Dagdag pa aniya, ang buong Senate leadership naman ay nagsisilbi alinsunod sa kagustuhan ng majority.

Sa ngayon, wala pang katunayan ang mga alegasyon patungkol sa naturang isyu.