P6.3-T 2025 budget, sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos

Pinamamadali na ni Pangulong Bongbong Marcos sa Kongreso ang pagpasa sa House bill number 10800 o ang General Appropriations bill.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Sa liham ng Malacañang kay House Speaker Martin Romualdez na may petsang September 24, sinertipikahang urgent ng Pangulo ang 2025 GAB upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Dahil din sa sertipikasyon, maaari nang aprobahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang GAB sa parehong araw.