Ex-PNP chief Acorda, nakatakdang imbitahan susunod na POGO hearing

Inamin ni Senadora Risa Hontiveros na inaasahan niyang maisasara na nila ang pagdinig hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator.

Kasunod ito ng mga nauna niyang pahayag, bagamat ito ay naudlot dahil sa paglabas ng ilang impormasyon.

Read More:  De Lima says Duterte must face ICC accountability despite lawyer withdrawal

Katulad na lang ng larawan ni dating Philippine National Police, Chief Benjamin Acorda Jr. kasama ang ilang personalidad na inuugnay sa POGO.

Bilang tugon, magsasagawa umano ng isa pang hearing ang kanyang komite at iimbitahan nila rito si Acorda upang makapagpaliwanag.

Read More:  DOT suspends some travel near Mayon Volcano amid unrest

Maalala, ayon kay Tony Yang na siyang kapatid ni Michael Yang, matagal na niyang kakilala si Acorda at sa nasabing larawan binisita lang nila ito bilang ito ang tumatayong dating regional police director ng Cagayan province.