Umano’y pagreregalo ni Quiboloy ng babaeng, iimbestigahan na

Iimbestigahan na rin ng Philippine National Police ang umano’y pagreregalo ni Apollo Quiboloy ng ilang babaeng miymebro ng Kingdom of Jesus Christ sa kanyang mga kaibigan.

Ayon kay PNP Public Information OIffice Chief Col. Jean Fajardo, seryoso ang mga alegasyon kaya mas lalakas ang kaso kung mayroong biktima na magpapatunay at magbibigay ng kanilang sinumpaang salaysay.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Aniya, mula nang maisailalim sa kanilang kustodiya si Quiboloy marami nang lumalapit na biktima umano nito ng pangaabuso na ngayon ay sumasailalim pa sa validation.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sinabi ni Fajardo, handa nilang tulungan ang mga biktima kaya dapat umanong huwag makatakot ang mga itong lumapit sa kanila.