DILG – tiniyak ang hustisya sa 8-y.o. na batang isinilid sa sako sa Rizal

Personal na binisita ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang burol ng walong taong gulang na batang babae na natagpuang wala ng buhay at nakasilid sa isang sako sa Taytay, Rizal.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Dito ipinaabot ng kalihim ang taos pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ni Rylai Kaye Barrun.

Tiniyak din nito sa naulilang pamilya na tututukan nila ang kaso at tutulungan sila na makamit ang hustisya.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Samantala, nagpasalamat naman si Abalos sa Rizal PNP sa mabilis na pagkakaresolba ng kaso at pinuri ang mga kapulisan sa naging dedikasyon at effort nito na madakip ang suspek.