Senador, naniniwalang si Duanren Wu ang totoong ‘big boss’ ng POGO at hindi si Huang Zhiyang

Naniniwala si Senator Joel Villanueva na ang sinasabing ‘big boss’ ng ilegal POGO sa bansa ay si Duanren Wu, isa umanong dating Chinese police, at ang incorporator ng Whirlwind Corp.

Ito ay matapos pangalanan ng opisyal mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Huang Zhiyang bilang “boss of all bosses.”

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Si Huang ay isa sa mga co-incorporators ni Alice Guo sa Baofu Land Development.

Ayon kay Villanueva, hindi siya naniniwalang si Zhiyang ang big boss ng POGO, at tila si Duanren Wu ang talagang notorious.

Read More:  Online gaming firm endorsed by Ivana Alawi fined P1 million by PAGCOR

Aniya, ‘He is the one running the show,’ at posibleng tunay na big boss na kinatatakutan.

Siya umano ang pinaka-mastermind ng violent acts, pangto-torture, pangingidnap, at iba.

Binigyang-diin ng senador na kung may kinatatakutan si Guo, mukhang si Duanren Wu ito.