Hindi magiging problema ang congestion sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City, kung saan inilipat sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Sylvia Cemañes at Crisente Canada, ang mga kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Spokesperson Chief Inspector Jayrex Bustinera, 500% congested ang BJMP Pasig dahil tinatayang nasa 30 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang laman ng isang piitang ginawa para sa 4 hanggang 5 lamang.
Ngunit iginiit ni Bustinera na kumpyansa siyang magiging maayos ang seguridad ng apat na akusado dahil maganda naman ang pamamahala ng mga awtoridad sa piitan.