Bagama’t hindi isusumite ng House Quad Committee ang resulta ng kanilang drug war investigation sa International Criminal Court, nilinaw ni Quad Committee co-chairman Representative Ace Robert Barbers na puwede gamitin ng sinuman ang mga testimonya sa nagdaan nilang hearing, maging ang ICC.
Accessible kasi aniya sa publiko ang pagdinig ng komite sa iba’t ibang broadcast platforms.
Ngunit kung manghihingi sila ng assistance sa pamahalaan, iginiit ni Cong. Barbers na hindi sila makikipagugnayan sa ICC.
Tatalima ang Kamara sa posisyon ng Ehekutibo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.