Antibodies reaction ng mga baboy na tinurukan kontra ASF, inaasahang malalaman na ngayong araw

Malalaman na ngayong araw kung naglabas na ng magandang antibodies ang mga baboy na nabakunahan kontra African Swine Fever.

Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Asec. Dante Palabrica kasunod ng ginawang pagkuha ng blood samples sa mga baboy mula sa Lobo, Batangas na unang binakunahan kontra sa sakit.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Ayon kay Palabrica, ika-14 araw na kahapon mula nang mabakunahan ang mga baboy noong August 30, 2024.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Kasabay nito, nagsimula na rin aniya ang pagma-mapping ng mga farms sa Batangas, na susundan na rin ng vaccination.

Isusunod na rin umano ng DA ang Rosario at Lipa City sa Batangas upang mapababa ang infection pressure.