Ilan pang mga testigo, handang humarap laban kay Quiboloy

Marami pang mga biktima ang nakahandang tumestigo laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senadora Risa Hontiveros na maraming biktima pa ang gustong tumestigo upang ipaglaban ang kanilang pagkatao, dignidad, at katotohanan.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Kasabay nito ay pinasalamatan niya ang isang alias ‘Amanda’ na isa sa mga unang biktima na nagsiwalat ng umano’y pang-aabuso ni Quiboloy.

Hanggang ngayon, ang determinasyon umano nito ay nakapagpapalakas ng loob ng mga victim-survivors para ipaglaban agng hustisya.

Read More:  Meghan Markle’s father Thomas Markle, arrested over alleged child pornography possession

Sa huli, idiniin ng senadora na dapat lang managot si Quiboloy at ang mga kapwa akusado nito para sa idinulot nilang pighati sa mga kababaihan at mga bata.