Pagawaan ng mga pekeng dokumento ng mga illegal POGO workers, sinalakay sa Maynila

Sinalakay ng National Capital Region Police Office ang isang pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Sampaloc Maynila.

Natuklasan din ng mga otoridad na dito ginagawa ang mga pekeng ID at passport para sa mga Tsino at Pilipino na nagtatrabaho sa mga illegal na POGO.

Read More:  Woman dies after boulder falls during alleged gold search in Negros Oriental

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen.  Jose Melencio Nartatez Jr. gumagawa na ng paraan ang mga Chinese para manatili sa bansa matapos ipagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-operate ng mga POGO.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Samantala, naaresto naman ang anim na indibidwal na siyang nagpapatakbo ng iligal na pagawaan ng dokumento.

Sinampahan na sila ng kaso ng falsification of public documents.